DENTISTA SA SOLSONA, ILOCOS NORTE, ARESTADO SA KASONG ESTAFA

Arestado ng mga tauhan ng Solsona Municipal Police Station ang isang 46-anyos na dentista mula sa bayan ng Solsona, Ilocos Norte.

Batay sa imbestigasyon, nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong estafa sa ilalim ng Article 315, Paragraph 2 ng Revised Penal Code na inamyendahan ng Republic Act 10951.

May rekomendadong piyansang ₱18,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Solsona Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon ng kaso.

Facebook Comments