DENUCLEARIZATION | NoKor, sinira na ang isa sa kanilang malaking test sites

Inihayag ngayon ni US President Trump na inumpisahan na ng North Korea ang proseso ng denuclearization.

Ayon kay Trump, sinira na ng NoKor ang isa sa malaking test sites nito kung saan ito na daw ang magandang panimula sa pangakong denuclearization ng NoKor matapos ang pagpupulong nila ni Kim Jong-un noong June 12.

Sa ulat naman mula sa Pyongyang, ilang serye ng pagsabog ang nadinig mula sa bahagi ng Punggye-Ri Test Facility sa North Hamgyong Province na naging staging ground sa anim na isinagawang nuclear tests ng NoKor.


Sinasabing ang mga pagsabog na nadinig ay ang proseso ng pagwasak sa test site.

Facebook Comments