Denuclearization sa Korean Peninsula, tinalakay ng mga ASEAN Leaders sa ASEAN-ROK Summit

Manila, Philippines – Nagpahayag ng pag-alala ang mga ASEAN leaders sa sitwasyon sa Korean Peninsula.

Ito ang isa lamang sa mga issue na tinalakay sa ASEAN Republic of Korea (ASEAN-ROK) Summit na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at Korean President Moon Jae-In.

Sa statement ni Pangulong Duterte ay nanawagan ito ng pagsasagawa ng mapayapang denuclearization at ang pagbuo ng 6 party talks para magkaroon ng dayalogo na nakabatay sa ASEAN Legal Framework.


Kabilang din naman sa tinalakay sa nasabing summit ay ang pagpapalakas ng economic trade sa pagitan ng ASEAN at ng ROK at pagpaplano sa pagbuo ng isang Joint Declaration on Strategic Partnership for peace and Prosperity.

Tiniyak din naman ni President Moon ang buong suporta sa ASEAN at nangakong tutulong ang kanyang administrasyon para makamit ang mga adhikain ng ASEAN Community.

Facebook Comments