DENUCLEARIZATION | U.S at South Korea, posibleng i-anunsyo ngayong linggo ang pagpapatigil ng kanilang joint military exercises

Inaasahang i-aanunsyo ngayong linggo ng South Korea at United States ang suspensyon ng ‘large-scale’ military drills.

Base sa South Korean News Agency na Yonhap, kapag nabigo ang North Korea sa pangako nitong, maaring i-restart ng Washington at Seoul ang military exercises nito.

Ayon naman kay South Korean President Moon Jae-in, ang kanilang gobyerno ay dapat maging flexible sa pagpapatupad ng military pressure sa North Korea kung sinsero ito sa pagbubuwag ng kanilang nuclear weapons program.


Una nang ipinangako ni U.S. President Donald Trump na wawakasan ang ‘war games’ kasunod ng pagpupulong nito kay North Korean Leader Kim Jong-un sa Singapore.

Facebook Comments