Deparment of Trade and Industry Zamboanag Del sur, nagbabala sa laban sa pautang scam

Manila, Philippines – Nagbabala ang Deparment of Trade and Industry (DTI) Zamboanag Del Sur sa publiko laban sa mapanlinlang na pautang scams sa harap ng pag-arangkada sa programang P3 o pondo sa pagbabago at pag-asenso.

Sa interview ng RMN, kay DTI provincial Director Maria Sucuro Atay, may mga indibidwal na nagpakilalang mula sa DTI at nangikil umano upang mapagkalooban at makahiram ng pondo mula sa pamahalaan.

‘’Nakatanggap kami ng report, na may nangikil sa na mga taong interisado sa pautang ng gobyerno, scam po yan.”


Kabilin-bilinan din ng DTI sa publiko na huwag magpaluko sa ganitong modus-operandi.

Facebook Comments