Iloilo – Nalulungkot ang mga Department Heads sa Iloilo City Hall sa naging kapalaran ni Mayor Jed Patrick Mabilog na sinibak ng Ombudsman at pinatawan ng perpetual disqualification.
Sinabi ni Public Safety and Transportation Management Office Head Jeck Conlu na bagamat nalulungkot sila dapat umanong magkaisa sa pagdarasal ang mga Ilongo at mga city hall employees upang malampasan ng alkalde ang gan itong mga pagsubok.
Dagdag pa nito na huwag dapat ma-demoralize ang mga city hall employees sa halip patuloy lamang sa mga gawain at obligasyon na inihabilin sa kanila ni Mayor Mabilog.
Samantala, wala namang nasabi si acting City Mayor Joe Espinosa III sa naturang perpetual disqualification ni Mabilog.
Facebook Comments