Marawi City – Balak ni Agriculture Secretary Manny Piñol na gawing karne at maipamahagi ang mga manok sa mga evacuation center sa mga conflict areas sa Marawi City.
Ito ay matapos na makarating sa kalihim na halos binibili na lamang ng mga mapagsamantalang traders sa halagang sampung piso ang dating nasa 80 to 90 pesos na live weight na manok.
Ayon kay Piñol, kakausapin niya ang DSWD na sa halip na mga canned goods at noodles ang gamiting relief goods, bilhin na lamang ang mga manok saka ipamahagi sa mga evacuees.
May bago naman aniyang cold storage facility sa Davao na pag-iimbakan ng kinatay na mga manok.
Hindi aniya ito pang-iinsulto sa mga evacuees.
Malinis at safe namang kainin ang mga manok at pumayag na rin aniya rito si Pangulong Rodrigo Duterte.