Dismayado sa Department of Agriculture (DA) ang ilang namimili sa palengke dito sa Quezon City.
Kasunod kasi ng pork holiday o tigil sa pagtitinda ng karneng baboy at manok, wala kasing mabili ang may-ari ng karinderya at iba pang gustong bumili ng karne.
Ayon kay Aling Linda, hindi handa ang DA sa bantang pork holiday ng retailer at traders.
Aniya dapat may augmentation na baboy at manok sa palengke para may mabili pa rin kahit paano ang mga nangangailangan.
Mamaya magpapaliwanag na lang sa costumer si Aling Linda kung bakit wala siyang lutong karne.
Samantala, sinabi ni Asec. Noel Reyes, tagapagsalita ng DA, mamaya pa or bukas inaasahan ang pagdating ng baboy mula sa Iloilo, General Santos at Batangas.
Facebook Comments