Department of Agriculture, humarap kay PBBM ngayong araw para i-ulat ang mga programa ng ahensya

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lingguhang sectoral meeting sa Malacañang ngayong araw.

Humarap sa pangulo ang Department of Agriculture (DA) para i-ulat ang mga proyekto at programa ng ahensya.

Kabilang din sa posibleng i-ulat ang naging lawak ng pinsala sa mga produktong pang-agrikultura idinulot ng mga nagdaang bagyo.


Bukod dito, inaasahang magiging agenda rin ang naging direktiba ng Pangulo sa Department of Agriculture at Department of Budget and Management (DBM) para palawigin ang P29 kada kilo ng bigas sa ilalim ng Rice-for-All na nasa ilalim ng Kadiwa ng Pangulo program.

Nais din ng pangulo na itaas sa 300 ang Kadiwa ng Pangulo centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa susunod sa 2025 habang hinikayat din nito ang mga lokal na pamahalaan na direktang bumili ng palay sa mga magsasaka.

Facebook Comments