Department of Agriculture, inaalam kung gaano katindi ang African Swine Virus na pumasok sa bansa  

Hinihintay pa ng Department of Agriculture (DA) ang resulta ng Viral Isolation Test.

Ito’y matapos kumpirmahin na African Swine Fever ang tumama sa ilang mga baboy sa Rizal at Bulacan.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar – dito malalaman kung anong klase at lakas ng virus na nakapaapekto sa mga alaga.


Sinabi rin ng Kalihim, posibileng galing sa smuggled pork products nagmula ang virus kaya ito nakapasok ng bansa.

 Tiniyak naman ni Bureau Of Animal Industry (BAI) Director Ronnie Domingo – na patuloy ang cleaning at disinfection sa mga apektadong lugar.

Pero may mga bagong lugar na ino-obserbahan ang D-A na hindi muna nila tutukuyin.

Aabot sa pitong lugar ang apektado ng ASF sa dalawang lalawigan kung saan higit 7,000 baboy na ang pinatay.

Siniguro ng D-A na maglalaan sila ng pondo para makabangon muli ang mga magbababoy pero hihintayin pa ang isang buwan para masigurong wala nang virus at payagan silang mag-alaga ulit.

Facebook Comments