Department of Agriculture, nagsagagawa ng inspeksyon sa mga bagahe ng pasahero sa NAIA terminal 2

Patuloy na nagbabantay ang Department of Agriculture at Bureau of Animal Industry sa mga bagahe ng mga pasaherong dumadating galing sa ibang bansa.

 

Dahil dito, naka-standby ang mga tauhan ng ilang ahensya ng pamahalaan sa NAIA terminal 2 para tutukan ang mga meat product  na dala ng pasahero galing sa ibang bansa na apektado ng African swine fever virus.

 

Partikular nilang binabantayan ang mga pasahero na galing China gamit ang dalawang K9 dog na sumasampa sa conveyor para tukuyin ang ilang bagahe kung ito ay naglalaman ng karne.


 

Nabatid na lahat ng meat products at canned meat na dala ng pasahero na walang kaukulang permit mula sa bansa na kanilang pinanggalingan ay kukumpiskahin kahit na hindi ito apektado ng African swine fever virus.

 

Ang hakbang na ito ng pamahalaan ay upang hindi na makapasok sa bansa ang nasabing virus dahil kapag nagkataon ay malulugi ang hog industry sa Pilipinas.

Facebook Comments