Department of Agriculture, nakakolekta ng P10 billion na taripa mula sa mga imported na bigas

Nakakolekta na ang Department of Agriculture ng halos P10 Billion na taripa mula sa mga imported na bigas mula nang ipatupad ang Rice Tariffication Law (RTL).

 

Sa budget hearing ng DA sa House Committee on Appropriations, sinabi ni Agriculture Sec. William Dar na umabot na sa P9.2 Billion ang nakolektang buwis mula sa mga ini-a-angkat na bigas mula sa ibang bansa.

 

Dahil dito, inaasahan na aangat pa sa P15 Billion ang makokolektang taripa sa rice imports hanggang sa katapusan ng 2019.


 

Pinawi naman ni Dar ang pagtaas ng presyo ng kada kilo ng palay kung saan sa huli ay mga magsasaka pa rin ang magbebenepisyo sa RTL sa ilalim ng Rice Competitive Enhance Fund (RCEF).

 

Ipinapangako kasi na sa ilalim ng RCEF, P10 Billion kada taon na ayuda sa mga magsasaka ang ibibigay na apektado ng “birth pains” ng RTL.

 

Mayroon na aniyang paunang P5 Billion na RCEF pero hindi pa ito naipapamahagi sa mga magsasaka dahil nitong Agosto pa lamang na-i-release ang special allotment release order (SARO).

Facebook Comments