DEPARTMENT OF AGRICULTURE REGION 1, NAGBABALA SA PANLOLOKO GAMIT ANG PANGALAN NG AHENSYA

Nagbabala ang Department of Agriculture – Regional Field Office I (DA-RFO I) laban sa mga pekeng indibidwal na gumagamit ng pangalan ng mga empleyado ng ahensya, lalo na mula sa Livestock Banner Program, upang humingi ng pera para sa umano’y bayad sa serbisyo ng DA.

Ayon sa ahensya, walang sinumang kasalukuyang o dating empleyado ang pinahihintulutang mangolekta ng bayad sa ngalan ng departamento o ng mga programa nito.

Dagdag nito, lahat ng lehitimong transaksyon ay dapat sumunod sa opisyal na proseso at may kasamang opisyal na resibo.

Pinayuhan ng ahensya ang publiko na maging mapanuri at makipagtransaksiyon lamang sa mga opisyal na kasalukuyang empleyado ng DA-RFO I.

Facebook Comments