Sa pagpapalakas ng monitoring sa mga natapos na big ticket projects ng Department of Agriculture sa Ilocos Region, bubuo ang departamento ng isang organisadong monitoring team ng DA-RFO I para bantayan ang mga proyektong kanilang natapos.
Sa isang Regional Management Committee meeting na ginanap, masinsinang pag-uusap ang ginawa ng DA-RFO I para mag-organisa ng isang monitoring team at maging mga itatalaga para suriin ang functionality at sustainability ng mga proyektong ipinatupad at natapos sa mga nakaraang taon.
Kabilang sa mga bubuuing division at operating unit sa monitoring team ay Agricultural Programs Coordinating Officer (APCO), kawani mula sa Regional Agriculture Engineering Division, (RAED), Field Operations Division (FOD), Planning Monitoring and Evaluation Division (PMED) at ang inirekomendang Regional Agriculture and Fisheries Information Section (RAFIS).
Ang pagbuo ng monitoring team na ito ay para idokumento ang pagsubaybay sa mga aktibidad na isinagawa ng departamento kung saan tututukan ang pagsusuri sa functionality ng mga proyekto tulad ng solar-powered irrigation system (spis), recirculating dryers, silo, rice processing centers, diversion dams, small water impounding projects.
Ang pagbuo ng Monitoring Team ay mula sa observation ni Farmer Director Benjamin Campañano sa mga feedback na natanggap ng opisina nito sa panahon ng kanyang instint bilang Farmer Director sa loob ng dalawang linggo at ni 4th District Congressman Christopher de Venecia na suriin ang pagpapatupad ng natapos na agri farm makinarya at pasilidad ng mga proyekto. |ifmnews
Facebook Comments