
Wala pang naaapektuhan sa sektor ng agrikultura at pangisdaan sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Legazpi City, Albay.
Sa kabila nito, patuloy naman ang pagbabantay ng Department of Agriculture (DA) sa sitwasyon para masiguro ang maagang pagtukoy sa ano mang posibleng na epekto ng nagpapatuloy na aktibidad ng bulkan sa sektor.
Sakaling lumala ang sitwasyon, nakahanda naman umano ang DA na magpatupad ng hakbang gaya ng pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan para sa posibleng paglilikas ng mga hayop patungo sa mga evacuation center.
Kabilang na rin dito ang pagtatatag ng command center sa Albay Breeding Station at iba pang kaukulang hakbang.
Maliban dito, patuloy rin nilang babantayan ang mga presyo at galaw ng mga produktong agrikultura sa mga apektadong probinsiya.










