Manila, Philippines – Tiniyak ng Administrasyong Duterte na bibilisan ang government spending para sa mga malalaking infrastructure projects para mabilis na umikot ang ekonomiya ng bansa.
Ito ang sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa paglulunsad ng Dutertenomics o ang economic plan ng Adminsitrasyong Duterte.
Ayon kay Diokno, sa ngayon ay inaayos na nila ang pondo ng bansa para maging simple at epektobo ang paggastos sa mga proyekto ng pamahalaan.
Binago na rin aniya ng pamahalaan ang Implementing Rules and Regulations ng Procurement Act kung saan niluwagan nila ang mga ptakaran o panuntunan sa pagpili ng mga kontrata o pagbili ng mga kagamitan ng pamahalaan.
Sa ngayon din aniya ay pinamamadali na nila ang pagpapasa ng Budget Reform Bill na siyang magpapabuti ng national budget at bumilis ang pagpapatupad ng mga infrastructure projects kasabay ang pagtiyak ng transparency sa bawat proyekto ng pamahalan.
Nation