Department of Defense, sisikaping tapusin ang gulo sa Marawi City bago ang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte

154

Manila, Philippines – Pipilitin ng pamahalaan na bago ang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 24 ay matigil na ang gulo sa Marawi City.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nakakaramdam siya ngayon ng pressure lalot ang gusto nya ay wala nang gulo sa Marawi bago mag SONA ang Pangulo.

Nakipag-ugnayan na raw si Secreatary Lorenzana kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año at sinabi nitong isang linggo nalang at matatapos na ang gulo sa Marawi City.


Sa ngayon kasi ay nagpapatayan na mismo ang mga natitirang miyembro ng Maute sa Marawi City.

Habang patuloy naman daw ang kanilang panawagan sa mga terorista na sumuko na lamang pero sadyang matigas ang mga ito at patuloy pa ring nakikipaglaban ang mga local terrorist.

Kaya naman sa panig ng tropa ng military, hindi nila itinitigil ang operasyon para ma-neutralize ang Maute Terror Group at mailigtas ang mga bihag.



Facebook Comments