Department of Education Bicol, magpapatupad na ng random drug test sa mga kawani, faculty at mga estudyante ngayon

Bicol, Philippines – Para masiguro ng pamunuan ng Department of Education-Bicol na wala talagang gumagamit ng droga sa lahat ng mga empleyado, mga guro, principal, gayundin sa hanay ng estudyante, pormal nang ipatutupad ang random drug test sa lahat ng mga paaralan sa Bicol Region ngayon.

Ito ay tumatalima aniya sa kautusan ng kalihim ng edukasyon sa bansa.

Ayon kay Director Ramon Abcede at Assistant Director Aquino, kailangan lamang aniya ito ipatupad para sa lahat, para aniya makumpirma na wala nang nakalulusot na droga sa mga paaralan.
DZXL558, Leo Barcellano


Facebook Comments