Department of Education, handa na sa pagbubukas ng klase ngayong araw

Manila, Philippines – Handa na ang Department of Education (DepEd) sa pagbubukas ng klase ng mga pampubliko at ilang pribadong paaralan sa buong bansa ngayong araw, June 5.

Ayon kay Education Assistant Secretary Tonisito Umali – aabot sa halos 27 milyong estudyante ang naka-enroll ngayong school year.

Aniya, 2.8 milyon sa mga ito ay mula sa Senior High School o grade 11 at 12 habang ang 24.1 milyon naman ay mga estudyante mula sa kindergarten hanggang grade 10,


Dagdag pa ni Umali – mahigpit na nakikipag-ugnayan ang ahensya sa PNP para sa kaligtasan ng mga mag-aaral lalo’t naka-heightened alert ang ilang lugar.

Tiniyak din ng DepEd na sapat ang mga silid-aralan at guro para mga estudyante ngayong school year.

Samantala, bukas oplan balik-eskwela hotlines ng DepEd para sa mga reklamo at katanungan.
DZXL558

Facebook Comments