Department of Energy, blangko pa kung magkakaroon ng oil price hike bago at pagkatapos ng SONA ng Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Hindi pa makapag-anunsyo ang Department of Energy kung magkakaroon muli ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo bago at pagkatapos ng ikalawang State of the Nation Address ng Pangulong Duterte.

Ayon kay Energy Spokesman Wimpy Fuentebella, wala pa silang data na maaaring pagbasehan kung magkakaroon muli ng oil price hike sa susunod na linggo at pagkatapos ng sona ng pangulo.

Karaniwan kasing nagpapatupad ang mga kumpanya ng langis ng pagtaas o pagbaba sa presyo ng oil products kada Martes.


Pinakahuling nagkaroon ng paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo kahapon kung saan tumaas ang diesel ng uno bente pesos kada litro, habang pitumpung sentimos sa gasolina at nobente sentimos sa kerosene.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments