Visayas – Hindi pa masabi ng Department of Energy ang eksaktong petsa ng panunumbalik ng supply ng kuryente sa mga nilindol na lugar sa Visayas.
Gayunman, sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na target nilang ma-restore ang energy facilities bukas sa malaking bahagi ng Region 8 at sa Bohol.
Ayon kay Cusi, habang hindi pa tuluyang naibabalik ang supply ng kuryente sa mga naapektuhan ng malakas na lindol, maglalagay muna sila ng mga alternatibong sources ng kuryente.
Tiniyak din ng kalihim na binibilisan ng kanilang mga tauhan ang pagkukumpuni sa mga nasirang geothermal plants at transformers
Una nang nagpadala ang Energy Department ng generator sets sa mga ospital, water pumping stations, municipall halls at iba pang vital installations.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558