Manila, Philippines – Kumpiyansa ang Department of Finance (DOF) na kaya pang abutin ng pamahalaan ang 7% gross domestic product growth target ngayong taon.
Ito ay kahit na re-enacted budget ang ginagamit ngayong buwan ng pamahalaan dahil sa kabiguan ng kongreso na maipasa ang 2019 national budget.
Ayon kay Finance Asec. Tony Lambino – matinding fighting spirit ang inilagay ng pamahalaan para piliting maabot ang target na GDP growth.
Katunayan aniya, isa pa rin ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamabilis na paglago sa ekonomiya.
Ipinagmalaki pa ng opisyal ang pagpalo ng GDP growth sa 6.2 percent noong 2018.
Ibig sabihin, nananatiling malakas ang eknomiya ng bansa kahit nabigo ang pamahalaang maabot ang target nito.
Facebook Comments