Department of Finance, magsasagawa ng public forum sa susunod na buwan ukol sa Tax Reform Package ng Duterte Administration

36

Manila, Philippines – Magsasagawa ng public forum sa susunod na buwan ang Department of Finance (DOF) kaugnay sa isinusulong na Tax Reform Package ng Duterte Administration.

Ayon sa DOF, inaasahan nilang aabot sa humigit kumulang 300 ang lalahok sa nasabing forum na isasagawa sa Hulyo 5.

Si Finance Sec. Carlos Dominguez III naman ang inaasahang magbubukas ng nasabing event na dadaluhan din ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang kagawaran at ahensya ng gobyerno.

Facebook Comments