Department of Finance, magsusumite ngayong buwan ng ikalawang package ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion

Manila, Philippines – Magsusumite ang Department of Finance ng ikalawang package ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) ngayong Enero.

Ito ay matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unang package na pagbabawas ng Personal Income Tax (PIT) at palawigin ang Value-Added Tax (VAT).

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, magsusumite ang Kagawaran sa mababang kapulungan ng Kongreso ng package two ng Comprehensive Tax Reform Program (CTRP).


Sa second package, layon nitong bawasan ang Corporate Income Tax Rate ng 25 percent mula sa kasalukuyang 30 percent.

Matatandaang plano sanang isumite ng Kagawaran ang second package noong October ng taong 2017 pero hindi natuloy matapos tutukan ng gobyerno ang naunang package.

Facebook Comments