Department of Finance, nakiisa sa Privacy Awareness Week, pagsunod ng bansa sa data privacy paiigtingin pa

Nakiisa ang Department of Finance (DOF) sa pagdiriwang ng Privacy Awareness Week ngayong taon.

Sa temang “Data Privacy for All: Embracing Inclusivity and Diversity,” layon nitong palakasin pa ang pagsunod ng bansa sa data privacy.

Nagsilbi rin itong daan para sa data privacy practitioners at professionals na magbahagi ng kanilang mga nalalaman katuwang ang iba pang expert sa field.


Kabilang sa layunin ng PAW ang pag-educate sa publiko sa kahalagahan ng personal data at mga karapatan ng bawat isa.

Hinihimok din ang publiko na magkaroon ng data detox gaya ng pagbabawas ng digital footprint sa pamamagitan ng pag-disable ng location tracking, pag-unsubscribe sa mga hindi naman kailangang emails at pag-limita sa social media.

Pinapayuhan din ang lahat na maglagay ng matibay na security measures sa online accounts at protektahan lalo na ang mga online banking.

Facebook Comments