Department of Finance, patuloy na nangangalap ng ebidensya kaugnay ng inihain na kasong tax evasion sa kompanyang Mighty Corporation

Kumakalap na ng ebidensya ang Department of Finance kaugnay ng inihain na kasong tax evasion laban sa kumpanya ng sigarilyo na Mighty Corporation.

 

Inatasan ni Finance Secretary Carlos Dominguez ang Bureau of Customs at Bureau Internal Revenue na madaliin ang kanilang imbestigasyon.

 

Pinasisilip din nito ang posibilidad na may mga nagbibigay ng proteksyon sa mga malalaking tax evaders.

 

Ayon kay Dominguez, kailangan nilang maghanap ng matibay na ebidensya para matiyak na hindi makakaligtas ang kompanyang ito na umiiwas sa pagbabayad ng tamang buwis.

 

Kamakailan, nasamsam ng customs ang 2.2 billion pesos na halaga ng puslit na sigarilyo, sapatos at mga damit sa serye ng mga pagsalakay na ginawa sa Pampanga, General Santos City at Zamboanga.

 

Kasama sa mga nakuha sa raid ay mga sigarilyo na gawa ng Mighty Corporation na nadiskubreng gumagamit ng pekeng tax stamps. 

Facebook Comments