Department of Finance, siniguro ang agarang tulong para sa mga naapektuhan ng lindol sa Cebu

Siniguro ng Department of Finance (DOF) na magbibigay ng agarang tulong ang ahensya sa mga naapektuhan ng 6.9 na lindol sa Cebu City.

Ang nasabing tulong ay maisasakatuparan ng mga government financial institutions (GFIs) at mga government-owned and controlled corporations (GOCCs) gaya ng Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS) at Pag-IBIG Fund.

Sa isang circular, inatasan ni Secretary Ralph Recto ang mga GFIs at GOCCs na gawing mabilis ang pagbibigay ng calamity assistance packages sa mga naapektuhan ng naturang sakuna.

Kaugnay nito, ang SSS ay nakahanda nang magbigay ng ₱10 hanggang ₱15 bilyon sa ilalim ng Calamity Loan Program para sa mga naapektuhang miyembro nito.

Samantala, ang GSIS at Pag-IBIG Fund ay nakahanda na rin para sa calamity at emergency loans ng kanilang mga miyembrong nasa apektadong lugar.

Dagdag pa rito, ang mga bahay na nakasangla ay maaari nang ifile para sa insurance claims, habang ang mga minor repairs ay maaari nang ma-access sa pamamagitan ng short-term improvement loan.

Facebook Comments