MANILA – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nailibing na ang labi ng Pinay OFW na si Jakatia Pawa na binitaw sa Kuwait dahil sa kasong murder.Ayon kay DFA Spokesperson Asec. Charles Jose, ito’y alinsunod sa tradisyon ng Islam na paglilibing sa mga labi sa loob ng 24-oras.Muling ipinunto ni Jose na hindi nagkulang ang gobyerno sa pagsasagawa ng paraan upang mailigtas sa bitay si Jakatia.Itinanggi naman ng DFA ang mga alegasyong na hindi umano sapat ang mga hakbang na ginawa ng gobyerno lalo na pagdating sa pagbibigay ng legal counsel para kay Pawa.Agad namang tumulak si Labor Secretary Silvestre Bello sa Kuwait para asikasuhin ang libing ni Pawa.Nakipagpulong na rin si Bello sa mga Labor Minister ng Kuwait para iapela ang isa pang OFW na nasa death row na si Elpidio Nano na may kaso ring pagpatay kanyang katrabaho.
Department Of Foreign Affairs, Kinumpirmang Nailibing Na Ang Pinay Ofw Na Binitay Sa Kuwait
Facebook Comments