Department of Health, dapat bumuo ng ‘sumbungan board’ para sa mga reklamo ng sinumang pasyenteng tatanggihan ng hospital – Senator Hontiveroz

Manila, Philippines – Dapat na bumuo ng health facilities oversight board o mas kilala sa tawag na “Sumbungan Board” ang Department of Health.

Alinsunod ito sa inaprubahang R.A. 10932 o Strengthened Anti-Hospital Deposit Bill.

Ayon kay Senadora Risa Hontiveros, principal author at sponsor ng batas – sa sumbungan board maaaring magreklamo ang sinumang pasyente o pamilya nito na tatanggihan ng ospital.


Samantala, bukod sa mas mahigpit na parusa, nakasaad din sa batas ang pagbibigay ng incentives sa mga private hospital na pag-a-admitan ng pasyente.

Tugon ito sa mga reklamo at pagtutol ng mga pribadong ospital sa Anti-Hospital Deposit Bill.

Kasabay nito, nanawagan si Hontiveros sa mga ospital na iprayoridad ang serbisyo bago ang pera lalo na kung emergency.

Facebook Comments