Department of Health, may paalala ngayong nalalapit na Undas

Manila, Philippines – May paalala ang Department of Health (DOH) ngayong papalapit ang Undas.

Ayon kay DOH Spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy, mas mainam kung huwag nang pumunta sa sementeryo ang mga buntis, nakatatanda at may mga karamdaman upang maiwasan ang dami ng tao at amoy ng usok mula sa mga kandila.

Payo pa ni Lee Suy, kung talagang kinakailangan at gusto magpunta sa sementeryo, magsuot ng face mask at magdala na lamang ng gamot.


Mainam din kung magsusuot ng preskong damit at magdadala ng bimpo, payong at pamaypay ang mga tutungo sa sementeryo.

Pinag-iingat din ang publiko sa pagbili ng mga tindang pagkain sa mga sementeryo kaya’t mas mabuti kung magbabaon na lamang at bitbitin ang mga kalat upang mapanatili ang kalinisan ng mga puntod.

Facebook Comments