Department of Health, nakahandang humarap sa imbestigasyon kaugnay sa paggastos ng ₱67 billion na pondo sa COVID-19 response

Nakahanda ang Department of Health (DOH) na humarap sa isasagawang imbestigasyon kaugnay sa hindi paggamit ng maayos sa ₱67 billion na pondo na nakalaan sa COVID-19 response.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi sila aatras lalo na’t nagastos aniya nang tama ang pondong ibinigay sa kanila mula nang mag-umpisa ang COVID-19 pandemic.

Kasunod niyan, umapela si Vergeire sa publiko na huwag isiping may korapsyon sa ahensiya dahil wala pa naman umanong sapat na ebidensiya na nagpapatunay rito.


Dagdag pa ni Vergeire, naibigay nila ang mga karagdagang pondo para sa allowance at mga benepisyo ng healthcare workers dahil sa pagpapalawig noon ng Bayanihan 2.

Facebook Comments