Department of Health, nakapagtala ng mahigit 70,000 bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa buong bansa

Photo Courtesy: DOH

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 72,607 na bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa buong bansa.

Dahil dito, nasa 779,084 na ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa Pilipinas.

Mayroon namang naitalang 10,098 na karagdagang kaso ng COVID-19 dahilan kaya umabot na sa 936,133 ang kumpirmadong kaso ng virus sa buong bansa.


Pumalo naman sa 141,089 ang bilang ng active cases habang nadagdagan naman ng 150 na nasawi na sa ngayon ay 15,960 ang kabuuang bilang.

Samantala, wala namang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na bagong kaso ng sakit sa mga Pilipinong nasa ibang bansa.

Sa kasalukuyan, nananatili sa 18,141 ang kumpirmadong kaso; 1,115 ang nasawi; 11,142 ang nakarekober at 4,069 ang naberipikang kaso ng DOH-IHR.

Facebook Comments