Department of Health, nangako ng tulong sa mga ospital na malapit nang maabot ang full capacity

Nangako ng tulong ang Department of Health (DOH) para sa mga ospital sa iba’t ibang lalawigan sa bansa na malapit nang maabot ang full capacity.

Ito ay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases at pagdami ng mga naiitalang mas nakakahawang Delta variant.

Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, partikular dito ang mga ospital sa mga lalawigan ng Cagayan, Cebu at lungsod ng Cagayan de Oro.


Sinabi pa ni Vega na magbibigay sila ng mga karagdagang pondo para sa pagbili ng COVID-19 intensive care unit (ICU) beds, mga gamot at kinakailangang gamit sa pagtugon sa banta ng COVID-19.

Facebook Comments