Department of Health, patuloy na nakatutok sa sitwasyon ng mga evacuation center sa Marawi City

Manila, Philippines – Patuloy na nakatutok ang Department of Health sa sitwasyon ng libo-libong residente ng Marawi City sa mga evacuation center.

Sa interview ng RMN kay Health Sec. Paulyn Jean Ubial – nilinaw nitong walang diarrhea outbreak sa lungsod kasunod ng 200 naitalang kaso nito.

Gayunman, maliit pa rin aniya ang bilang na ito kung ikukumpara sa mahigit 200,000 evacuees mula Marawi City.


Para naman maiwasan ang paglobo ng bilang ng mga maysakit, sinabi ng kalihim na mahigpit nilang ipinatutupad ang kalinisan lalo na ang pagbabawal sa pagdumi sa labas ng mga evacuation center bukod sa pagbibigay ng kaukulang gamot.

Hinihikayat rin aniya ang mga sibilyan na mag-disinfect para maiwasan ang sakit.

Sa ngayon halos 70 evacuation center na ang itinayo sa Iligan City at mga probinsya ng Lanao Del Sur, Lanao Del Norte at Bukidnon.

DZXL558

Facebook Comments