MANILA – Pinawi ng Department of Health ang pangamba ng publiko kasunod ng naging anunsyo nito na mahigit 500 bag ng donasyong dugo ang nagpositibo sa HIV.Pagtitiyak ni DOH Sec. Paulyn Ubial, na hindi nagamit o naisalin sa sinumang pasyente ang mga dugo.Pero aminado rin ang DOH na dati nang nagkaroon ng mga insidente na nahawa ng HIV ang pasyente matapos masalinan ng dugo.Kaugnay nito, target ng DOH na tuluyan nang ipagbawal ang pagbebenta ng dugo at ang nakaugaliang replacement donor kung saan papalitan ng mga kaanak ng pasyente ang nagamit na blood units ng isang pasyente.
Facebook Comments