Department of Health, walong araw nang walang naitatalang bagong namatay dahil sa COVID-19

Walong araw nang walang naitatalang bagong namatay sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa Department of Health (DOH), dahil dito ay nananatili sa 60,455 ang total COVID-19 deaths.

Samantala, nakapagtala kahapon ang DOH ng 200 na bagong kaso ng COVID-19.


Sa kabila nito, nasa sa 2,434 na lamang ang bilang ng mga aktibong kaso at nasa 3,627,365 naman ang kabuuang mga gumaling sa sakit.

Nangunguna pa rin ang Metro Manila na may pinakamaraming kasong naitala sa nakalipas na linggo at sinundan ng CALABARZON at Central Luzon.

Facebook Comments