MAgsasagawa ng simultaneous immunization activity laban sa tigdas, tigdas-rubella, at polio ng Department of Health – Center for Health Development in the Ilocos Region (DOH-CHD-1) kung saan mayroong tinatayang target na mahigit 935,130 batang wala pang 5 taong gulang mula sa apat na probinsya ng Rehiyon Uno ang maseserbisyuhan.
Sa isang forum nito lamang Biyernes, sinabi ni DOH-CHD-1 medical officer Dr. Rheuel Bobis na ang kabuuang bilang na 431,162 ang target para sa tigdas at tigdas-rubella vaccination at 503,968 para sa oral polio, mula Mayo 2 hanggang 30 ngayong taon.
Aniya, ,mayroong 262,944 na bata sa Pangasinan at 16,162 sa Dagupan City ang nakatakdang mabakunahan laban sa tigdas at tigdas-rubella, 60,026 sa La Union, 50,285 sa Ilocos Sur, at 41,745 sa Ilocos Norte.
Dagdag pa rito, sa kabuuang target na bilang para sa oral polio ay nasa 307,548 ang mula sa Pangasinan at 18,915 sa Dagupan City, 70,080 sa La Union, 58,440 sa Ilocos Sur, at 48,985 sa Ilocos Norte.
Sinabi pa ni Bobis na ang mga local government units (LGUs) ay magtatayo ng kanilang vaccination sites sa kanilang rural health units at city health offices, bukod sa iba pang mga lugar.
Dagdag pa niya, ang pagbabakuna ang tanging paraan upang maiwasan ang mga sakit na ito sa mga bata.

Facebook Comments