Department of Justice, binabalangkas na ang petisyong pormal na magdedeklara sa NPA bilang terorista

Manila, Philippines – Binabalangkas na ng Department of Justice (DOJ) ang petisyong ihahain sa korte para sa ganap na pagdeklara sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP – NPA) bilang teroristang grupo.

Kasunod na din ito ng proklamasyon ni Pangulong Duterte na nagdedeklara sa CPP–NPA bilang teroristang grupo.

Planong maihain ng DOJ bago mag–Disyembre 11 ang mababalangkas na petisyon nang bubuuing panel ng National Prosecution Service (NPS) sa ilalim ng Office of the Prosecutor General sa Regional Trial Court (RTC).


Nabatid na sa ilalim ng section 17 ng Human Security Act of Republic Act 9372, kinakailangang dumaan sa korte ang pag–kunsidera sa isang organisasyon bilang teroristang grupo para mabigyan ng pagkakataon ang nasabing organisasyon na maipagtanggol ang kanilang panig.

Facebook Comments