MANILA – Sisimulan na ngayong araw ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation sa money laundering charges laban kay dating RCBC Jupiter Branch Manager Maia Santos-Deguito.Ito ay may kaugnayan sa $81 million na ninakaw mula sa Bangladesh Central Bank.Sa inilabas na subpoena, inatasan ng DOJ si Deguito na sagutin ang reklamong inihain sa kanya ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) noong nakaraang buwan kaugnay sa paglabag nito sa Section 4 ng Anti-Money Laundering Act.Pinahaharap rin ang apat na sinasabing may-ari ng pekeng bank accounts kung saan ipinasok ang dirty money habang pupunta rin sa hearing ang mga opisyal ng AMLC.Samantala, itutuloy ngayong umaga ng Senate Blue Ribbon Committee ang ika-limang pagdinig kung saan tutukan ang kinita ng RCBC sa pagko-convert nito sa piso ng pumasok na pera na bahagi ng 81 million dollars.
Department Of Justice, Mag-Iimbestiga Na Rin Sa Money Laundering, Pagdinig Ng Senado Ipagpapatuloy Ngayong Araw
Facebook Comments