Department of Justice, nanawagan sa Kongresong pag aralan mabuti ang edad ng Criminal Liability

Nanawagan ang Department of Justice (DOJ) sa Kongreso na pag-aralang mabuti ang age of criminal liability.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ginagamit ng mga Criminal Syndicate ang mga batang edad 15-pataas sa kalakaran ng ilegal na droga at iba pang krimen.

Batid na aniya ng mga sindikato na mababa ang parusa at hindi maaaring ikulong ang mga bata.


Sa pagbaba ng age of Criminal Responsibility, mahihirapan ang mga sindikato na kumbinsihin ang mga menor de edad na gumawa ng ilegal na gawain.

Facebook Comments