Department of Justice, pinaiimbestigahan na ang umano’y banta sa buhay ng negosyanteng si Atong Ang

Manila,Philippines Pinaiimbestigahan na ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang mgaparatang ng negosyanteng si Atong Ang laban sa kanya.

Binigyan ni Aguirre ng labing dalawang araw ang National Bureau of Investigation para magsumite ng report hinggil dito.

Sa akusasyon ni Ang, sinabi nitong sangkot ang kalihim at si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sa mga natatanggap niyang banta sa kanyang buhay.


Natanggap umano ito ng mga threat dahil hindi mapigil ang numbers game operation ng kumpanyang meridien vista gaming corporation kung saan Consultant at GeneralManager si Ang.

Pero nauna nang itinanggi nina Aguirre at Esperon ang mga paratang ni Ang.

Kasabay nito, itinanggi rin ni NBI Director Dante Gierran na mga tauhan nila ang nasalikod ng pagbabanta kay Ang.

Giitni Gierran, walang basehan at produkto lang ng imahinasyon ang mga pahayag ng negosyante.

Aniya ang mga tinarget nila ay ang ilegal na sugal na ikinakabit sa jai-alai operations ng kumpanya ni ang base sa hiling ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Binanggit pa ni Gierran na sa operasyon nila noong nakaraang Abril 19 sa Ilagan City, Isabela ay inaresto nila ang 40 tauhan ni Ang.

Facebook Comments