Department of Migrant Workers, hindi maaaring gamitin ang pondo ng POEA ayon sa DBM

63

Nagbabala ang Department of Budget and Management sa Department of Migrant Workers (DMW) na hindi nila maaaring gamitin ang 2022 budget ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Ayon kay DBM Officer-In- Charge Tina Canda, walang kapangyarihan si DMW Secretary Abdullah Mama-o na gamitin ang budget ng poea para sa kanilang tanggapan.

Sa ngayon, hindi aniya pumasa sa requirements ang DMW kung kaya’t walang magiging paglilipat ng pondo hangga’t hindi pa ito tuluyang naisasabatas.


Paliwanag ni Canda, kinakailangang maging fully constituted ang DMW alinsunod sa Republic Act 11641.

Sa kasalukuyan aniya ay nasa transition period pa ang DMW sa loob ng dalawang taon.

Ibig sabihin, si POEA Chief Bernard Olalia pa rin ang may kapangyarihan na mamahala sa ahensiya.



Facebook Comments