Department of Migrant Workers, inaasahang bubuhusan ng pondo ng susunod na administrasyon

Isa sa mga unang hakbang ng susunod na administrasyon pagpasok nito ay ang pagbabalangkas ng kauna-unahang budget para sa Department of Migrant Workers o DMW na kasama sa 2023 national budget.

Ayon kay Senator Joel Villanueva, ang pagsisigurong sapat ang pondo ng itatatag na DMW ang isa sa mga malalaking trabahong aasahan ng mga OFWs sa papasok na administrasyon sa susunod na taon.

Kaugnay nito ay hinikayat ni Villanueva ang presidential aspirants na pag-aralan ang DMW bill.


Paliwanag ni Villanueva, para maging epektibo ang DMW, kailangan nito ng sapat na pondo.

Diin ni Villanueva, lahat ng polisiya ay dapat tapatan ng salapi dahil kung wala pang pondo, walang programang mapapatupad para sa mga kababayan natin.

Tiwala si Villanueva na palalakasin ng DMW ang serbisyo sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sa apat na aspeto na kinabibilangan ng proteksyon, personnel, pondo at programa.

Facebook Comments