Department of Migrant Workers, ipinagdiriwang ang 30th Migrant Workers Day simula ngayong araw

Pangungunahan ng Department of Migrant Workers ang isang linggong pagdiriwang ng 30th Migrant Workers’ Day simula ngayong araw, Hunyo 2, hanggang hanggang sa Sabado, Hunyo 7.

Ito ay bilang parangal sa mga sakripisyo at tagumpay ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa buong mundo.

Ang tema para sa taong ito ay “OFW@30: Bayan, Bayani, Bayanihan” na kumikilala sa tatlong dekadang mga ambag ng OFWs bilang mga modern heroes at mga tagapag-taguyod sa pag-angat ng bansa.

Ang Migrant Workers’ Day ay ginaganap tuwing June 7 na itinatag sa ilalim ng Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 (R.A. No. 8042), upang kilalanin ang napakahalagang kontribusyon ng itinuturing na mga modernong bayani – ang mga OFW.

Facebook Comments