Department of National Defense at Philippine National Police, suportado ang pagkansela ng peace talks sa CPP-NPA-NDF

Manila, Philippines – Nagpahayag ng suporta ang Department of National Defense (DND) sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil na ang peace talks sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front.

Sabi ni National Defense spokesman Arsenio Andolong – nasagad na kasi ang pasensya si Pangulong Duterte sa komunistang grupo dahil sa patuloy na pangha-harass ng mga ito sa mga inosente at pag-ambush sa mga pulis.

Kaya naman tiniyak ng DND at Armed Forces of the Philippines na hindi nila ititigil ang operasyon laban sa NPA.


Kasabay nito ay pinayuhan ni Andolong ang NPA na ibaba na ang kanilang armas, sumuko sa gobyerno at makiisa para sa tunay na pagbabago sa bansa.

Ayon naman kay Philippine National Police spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos, suportado rin nila ang utos ng Pangulo.

Aniya, bilang support agency sa AFP, gagawin nila kung ano ang iniutos sa kanila para mamintine ang peace and order sa bansa tulad na lang ng hindi pagdedeklara ng ceasefire sa NPA ngayong Christmas season.

Facebook Comments