Department Of National Defense – Humingi Ng Written Order Sa Malacañang Kasunod Ng Utos Ni Pangulong Rodrigo Duterte Sa

25

MANILA – Humihingi ang Department of National Defense (DND) ng opisyal na kautusan mula sa office of the executive secretary kaugnay ng verbal directive ni Pangulong Rodrigo Duterte na tutulong na ang AFP sa kampanya ng administrasyon kontra-droga katuwang ang PDEA.Ayon kay Defense Spokesperson Arsenio Andolong, ang paghingi nila ng written order ay para makasiguro na hindi sila malalagay sa alanganin sa kautusan ng pangulo matapos na pansamantalang ipatigil sa pnp ang kanilang anti-drugs operations.Mahalaga aniya na mayroong legal na basehang panghahawakan ang mga sundalo sa kanilang mga isasagawang pagresponde sa ilulunsad na operasyon ng PDEA.

Facebook Comments