Manila, Philippines – Nagpulong ang Department of Tourism at mga stakeholders kasunod ng pag-atras ng mga turista sa pagtungo sa Pilipinas dahil sa gulong nangyayari sa Marawi City at deklarasyon ng martial law sa Mindanao.
Ang pulong ay ginawa upang pag-aralan ang sitwasyon at upang agarang makabuo ng susunod na hakbang upang masolusyonan ang kanselasyon ng mga trips at hotel bookings ng mga turistang Japanese, Koreans at Chinese.
Isang delegasyon na rin sa pangunguna ni Tourism Usec. Benito Bengzon Jr. ang nagtungo sa Seoul, South Korea.
Sa interview ng RMN kay DOT ASec. Ricky Alegre – layon ng kanilang byahe na alisin ang takot at negatibong pagtingin ng mga turisrang Koreano sa pagtungo sa Pilipinas.
Sinabi ni Alegre na bagamat may mga turistang nagkansela ng pagtungo sa Pilipinas, tiyakin nito sa mga turista na marami pang ibang alternatibong tourist destination sa Mindanao at Pilipinas na ligtas.
Kumpiyansa ang DOT na makakabawi rin ang tourism industry sa bansa, partikular sa Mindanao.
DZXL558