Department of Transportation, nagbabalang ipawawalang bisa ang kontrata ng maintenance provider ng MRT

Manila, Philippines – Nagbanta ang Department of Transportation (dotr) na kanilang ite-terminate o ipawawalang-bisa ang kontrata sa maintenance provider ng Metro Rail Transit o MRT-3.

Ito’y kasunod ng serye ng pagkasira ng mga tren matapos ang Holy Week.

Hiniling ni DOTr Undersecretary Cesar Chavez sa Busan Universal Rails Incorporated na ipaliwanag ang nangyaring mga aberya sa mga tren gayung katatapos lamang sumailalim sa maintenance works ng mga ito noong Semana Santa.


Pitong araw ang ibinigay ni Chavez sa Busan Universal Rails Inc. para magpaliwanag kung bakit hindi kailangang kanselahin ang kanilang kontrata.

Una na ring sinabi ng Korean-based company na hindi akma ang grasa na ginagamit sa MRT-3 sa sobrang init ng panahon ngayon sa Metro Manila dahil sa summer season.
DZXL558

Facebook Comments