Manila, Philippines – Siniguro ng Department of Transportation (DOTr) na tinututukan nila ang problema sa Metro Rail Transit (MRT-3).
Iginiit ni Transportation Sec. Arthur Tugade – bagama’t may pagkukulang sa MRT-3, hindi nila ito pinababayaan.
Inaasikaso na rin DOTr ang dagdag na power supply sa MRT-3 na magreresulta ng karagdagang bumibiyaheng tren simula sa Hulyo.
Sinabi naman ni Light Rail Manila Corporation (LRMC) President Rogelio Singson – pinatakbo na ulit sa LRT-1 ang mga bagong-gawang tren.
Tuwing peak hours, umaabot sa 29 ang bilang ng mga tumatakbong tren at pinabilis na rin ang takbo nito sa 60 kilometers per hour.
Dagdag pa ni Singson – nakipagtulungan na sila sa pribadong sektor para maisa-ayos ang iba pang pasilidad ng istasyon.
Hindi rin aniya ito na magreresulta ng pagtaas ng pamasahe.
Plano na rin ng LRMC na magdagdag ng biyahe sa LRT-1 tuwing weekend.