Department of Transportation, tiniyak na matatapos ang rehabilitasyon ng LRT 1 ngayong taon

Manila, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Department of Transportation na bago matapos ang taong 2017 ay sisimulan na ang rehabilitasyon ng LRT 1 para paghandaan ang dumaraming bilang ng mga pasahero.

Ayon kay DOTr Usec. for Rails Cesar Chavez na sakop ng mga rehabilitasyon ang mismong istraktura na daraanan ng tren, mga istasyon, at mga ginagamit na bagon.

Sa harap na rin ito ng paghaba ng linya ng LRT 1 kapag natapos na ang pasisimulang extension project na mula Baclaran hanggang sa Barangay Niyog sa Bacoor Cavite sa taong 2021.


Ayon kay Rod Bulario, Operations Manager ng LRT1, sasailalim sa rehabilitasyon ang Viaduct o tulay na dinaraanan ng mga tren partikular ang bahagi ng linya mula Baclaran hanggang Monumento bago matapos ang 2017.

Inirekomenda na rin ni Bulario sa pamunuan ng LRMC ang pagpapalit sa malaking bilang ng kanilang 1st generation trains na kadalasang nagkakaroon ng mga aberya dahil sa kalumaan at kahirapan na ng pamalit na spare parts.

Paliwanag ni Bulario na sa ngayon ay nasa 40 bago pa ang gumagang 1st generation trains na nasa 35 taon.

Ang 2nd generation na binili sa panahon ni dating Pangulong Fidel Valdez Ramos ay 8 na lamang ang matitira at 44 naman ang 3rd generation cars ng LRT1 na nabili noong Administrasyong Arroyo.

Dagdag pa ng opisyal na sa susunod naman ay isasailalim sa rehabilitasyon ang Signaling System ng LRT1 na gagawin na lamang isa kumpara sa 2 na ginagamit ngayon.

Facebook Comments